Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Oktubre, 2018
Imahe
                                   "Masdan ang Kasaysayan ng Malolos Bulacan" Sa pagsilip ng haring araw noong ika-27 ng Agosto 2018, ramdam ko na makikisama ang isang magandang panahon upang mabigyan kami ng di malilimutang paglalakbay. Naganap ang isang masaya at makasaysayang paglalakbay kasama ang aking mga kaibigan sa Malolos, Bulacan. Ang napagkasunduang panahon ng pagkikita sa oras na 9:00 ng umaga ay hindi natupad dahil sa mga pangyayaring hindi inaasahan kaya naman makalipas ang isang oras, sa ganap na 10:00 ng umaga ay amin ng nilisan ang Siyudad ng Angeles at sinimulan na ang paglalakbay. Gayong maganda ang panahon, sa aming pagdaan sa Apalit Pampanga ay makikita ang hanggang tuhod na baha bunga ng mga nakalipas na pag ulan. Makalipas ang mahigit isang oras ay ligtas naming narating ang Probinsya ng Bulacan. Nadaanan namin dito ang sikat at world class na JEDs Island Resort na matatagpuan